Chapter Twenty-three
*To forgive, never an easy task.
To forgive, in anger, never possible.
To forgive, with love, hardest but truest of all.*
One year ago
MADALING-ARAW na nakauwi si Reeve. Sinadya ni Agatha na hintayin ang asawa dahil nag-aalala rin siya para dito.
When Reeve stormed out of the car, parang pinagsakluban ito ng langit at lupa. His shoulders were down. His face was stoic but his eyes told of his deeply worried soul.
“Reeve…” she softly called him as she opened the door.
He threw his coat and pulled her for a tight embrace. “Oh, sweetheart…”
Pinaghalong pagod, galit, at pagkasawi ang mahihimigan sa boses nito.
She hugged him back, lightly stroking his back.
“I love you…” she whispered. Nang mga oras na iyon, alam niyang iyon ang natatanging mga salitang magpapakalma sa asawa.
Mas humigpit ang pagkakayakap nito sa kanya. Huminga ito nang malalim. “Sorry for keeping you waiting. Hindi naapula ang apoy hanggang sa tuluyan nang bumagsak ang buong h-hotel.” He choked.
The main and very first branch of Monteverde Hotels in Manila caught fire earlier that evening. Nabalita iyon sa news at ang abala na niyang asawa ay mas naging aligaga pa. And for sure, after this night, lalong hindi na niya makikita ang asawa dahil sa bagong problemang kinakaharap nito.
“Reeve, you should take a rest. Please…”
Tagos-tagusan ang tingin nito nang humarap sa kanya. Wala na ito sa sarili dahil sa pinaghalong pagod at negatibong emosyon. Agatha could feel the tremendous gloom that lived inside him; it made her feel down too.
Pero hindi niya hahayaang malunod din siya roon. Kailangan ni Reeve ng mas matibay na suporta ngayon.
Halos hilahin niya ito paakyat sa kuwarto nila. Mabuti at malalim na ang tulog nina Rainiel, Riana, at Adam. Even their newborn baby, Rade, remained asleep in his crib when they entered the room.
Pinaupo niya si Reeve sa gilid ng kama. Noon lang niya napansin ang nadungisan nitong long sleeve polo at pants. May ilan din itong dumi sa braso at kamay. Even his used to be shiny black shoes were all covered with dirt.
Lumuhod siya sa harap ng asawa at inabot ang mukha nito. “Reeve, tumulong ka pa ba sa rescue operation kanina?”
“Twelve of my employees got trapped inside. Seven foreign guests. Two Filipinos…” Sinapo nito ng mga kamay ang buong mukha. “They all died, Agatha. Hindi sila nailabas bago gumuho nang tuluyan ang hotel…”
Nangilid ang luha sa mga mata ni Agatha. “It’s not your fault, Reeve.”
“Properly maintained ang hotel branch na iyon. Hindi malaman kung saan nagsimula ang sunog at paanong lumaki iyon nang ganoon. Bakit hindi gumana ang fire alarm?” Parang wala ito sa sarili habang nagsasalita.
Unang beses sa kasaysayan ng Monteverde Hotels ang nangyari. Ang hotel na bumagsak ay itinuturing pa namang historical site sa Pilipinas dahil itinayo iyon noong Panahon ng mga Kastila. At kahit pa lumaki at dumami ang mga hotel ng pamilyang Monteverde, hindi iyon kailanman napabayaan.
“This could be an inside job. A sabotage,” nakatiim-bagang na sabi ni Reeve. “But who would do this?”
Ang Monteverde Hotels at Anderson Auberge lang naman ang mahigpit na magkalaban. Pero ang mga hotel ng kanya-kanyang pamilya ay matagal nang naging isa mula nang magpakasal sila ni Reeve.
“You’re too tired, Reeve. Magpahinga ka muna.” Si Agatha na ang naghubad ng damit ng asawa. It smelled of charcoal and ashes. Her heart ached for her husband. Alam niya kung gaano nito inaalagaan ang mga hotel. He was so devoted to his work. Hindi ba’t hindi na nga niya ito madalas makita? Pati ng mga bata? Kahit anong tampo niya at pagkausap sa asawa, Reeve would always go back to working really hard.
May mga taong pumasok sa isip ni Agatha habang inaasikaso niya si Reeve. Gustuhin man niyang magalit sa mga taong iyon, kailangan muna niyang hintayin na matapos ang imbestigasyon.
“Hold on there, Reeve…” bulong niya nang sa wakas ay napilit niya itong humiga at matulog.
Pumikit ito. “Maybe they’re right, sweetheart. I’ll never be a good leader. I was only driven by my selfish goals. Maybe the members of the board are right. Hindi ako mapupunta sa posisyong ito kung hindi kita pinakasalan.”
“No, that’s not true.” Humiga na rin si Agatha. Yumakap si Reeve sa baywang niya at isinubsob ang mukha sa kanyang dibdib. Oras na napasakamay na niya ang resulta ng imbestigasyon, she would use her power over the hotels. She still owned a big part of it since she was an Anderson.
“People died…” And Reeve broke into tears again.
Niyakap niya ito nang mas mahigpit. “I will pray for you, Reeve. I love you. Please, huwag mo munang isipin ang lahat ng ito ngayon. Pagod na pagod ka na. We’ll figure out everything tomorrow.”
Nagpatuloy ito sa mahinang pagtangis.
Agatha’s heart would always go out to Reeve. Kahit ano pang tampo at inis ang madalas niyang nararamdaman dahil sa kawalan na nito ng oras sa kanilang pamilya, nawawala ang lahat ng iyon tuwing hindi natatakot ang asawa na ipakita ang vulnerable side nito.
At the end of the day, her love for her husband would always prevail because Reeve always trusted her with his darkest, softest, and weakest side. It was a subtle confession that he needed her, because it was only her who could understand him—even beyond all irrationalities.
Hinaplos niya ang buhok ng asawa at hinalikan ito sa tuktok ng ulo.
Nakatulugan ni Reeve ang pag-iyak. Pumikit at nagdasal si Agatha nang masigurong mahimbing na ito. Oh, her poor Reeve…
T HE NEXT morning, Agatha felt Reeve stir. He planted a soft kiss on her lips before he got up. Pagdilat niya ay nakapasok na ito sa banyo. Humikab siya at saka bumangon. She checked on Rade first. He was such a good baby. Hindi ito nag-tantrums at mahimbing pa rin ang tulog.
Nagpunta na siya sa banyo.
“Are you going to work today?” tanong niya sa asawa nang maabutan itong nagbababad sa tub.
Reeve was really not a bubble bath type of guy. It was just clear warm water for him when he went in the tub. Kapag ganoon, ibig sabihin ay gusto lang nitong mag-relax.
“I’ll follow the investigation about the fire incident. I’ll also visit the families of the fire victims.”
Hindi na katulad nang nagdaang gabi ang boses nito. Now he was calm and strong. His voice, although in a low tone, was full of conviction. Kapag ganoon na ang asawa, sigurado si Agatha na nakaisip na ito ng paraan kung paano iha-handle ang nangyari.
From the very beginning, she just knew that Reeve was an intelligent man. When his emotions calmed down, his precocious ways would shoot up. When he failed, he would let himself wallow in it for a while. The next thing, Reeve would not just rise but soar back at his game.
“You mentioned that the accident could be an inside job.” Lumapit siya kay Reeve at umupo sa dulo ng tub. There was a little space that separated the glass panel from the edge of the tub. Umupo siya roon at inilublob ang mga paa sa tub.
From her position ay nakatalikod si Reeve habang nakaupo sa tub. Hinawakan niya ito sa balikat at mas pinaisod palapit sa kanya. Napaungol ito nang simulan niyang imasahe ang mga balikat nito.
The tension in his shoulders slowly relaxed. Sumandal ito sa pagitan ng mga binti niya. Pumikit.
“Every month, we check the emergency fire escapes and sprinklers of the hotel. Advanced technology rin ang ginamit namin sa smoke detectors. Usok pa lang mula sa nagsisimulang apoy, the sprinklers would be easily activated. Alam ko namang puwede ring system failure kung bakit hindi gumana ang mga iyon pero…” Napailing-iling ito. “Sa buong history ng Monteverde Hotels, ngayon pa hindi gumana ang mga iyon?”
“Do you have any suspects in mind?”
Nagbuga ito ng hangin. Gumapang paakyat sa batok nito ang mga kamay niya para magmasahe.
“I know the members of the board disapprove of me, but they wouldn’t go that low, would they? Maaapektuhan din sila dahil sa nangyaring sunog. I know they wanted to replace me. Alam kong maraming ibang naghahangad ng posisyon ko. Maraming gustong masira ako. Pero ang mismong magpasunog na ng hotel at… All those innocent deaths?”
Sabay pa silang napabuntong-hininga na lang.
Pinili niyang hindi na magkomento.
“Pero kung malalaman kong may kinalaman sila dito… Damn.” Bumalik ang frustration sa tono ni Reeve. Fear was again reflected in his eyes. “This world is insanely vicious.”
The corners of his eyes were glistening with fresh tears.
“Alam kong hindi magiging madali ang pagharap mo sa mga pamilya ng mga nadamay sa sunog. Pati na ang pagharap sa kaso ng hotel. But I hope you don’t forget to pause for a while, Reeve. Remember the charity mission in Mountain Province I was talking about months ago? Let’s take a break together there…”
“I don’t know…”
“Please? You really need a long break.” And they needed to talk. About their marriage. A really serious and heart-to-heart talk.
Sa pagdating din siguro ng charity mission ay nasa kanya na ang resulta ng pinaiimbestigahan niya. Puwede na niyang aminin kay Reeve iyon at habang nasa malayo sila, alam niyang makakaisip ito ng paraan kung paano haharapin ang mga taong gusto itong siraan sa trabaho… at maging sa sariling pamilya.
Agatha could only pray now. If Reeve didn’t become too much busy, she could have told him about her private investigation. Alam niyang hindi siya dapat maglihim sa asawa pero parang sasabog na ito kapag ipinaalam pa niya ang ginawa niya. Ayaw naman niyang mangyari iyon sa asawa.
“Gusto mo bang samahan kitang makipag-usap sa mga pamilya ng namatay at sa mga pulis?”
“It’ll just stress you out, sweetheart, believe me. Ayoko nang ma-expose ka pa sa ganoon. I’ll take my team with me. We can handle this.”
May mga taong puwedeng utusan si Reeve para harapin iyon, pero ito mismo ang kakausap, because that was just how sincere he was.
She kissed the top of his head. “Ipinagdadasal kita palagi.”
“Sweetheart…” Hinawakan ni Reeve ang kamay niya. “I know this world could be darker than what we know. Pero hanggang nandito ka…” He kissed her hand. Nilingon at tiningala siya nito. “Hanggang nasa tabi kita, I’ll believe that this life could be brighter than we know too. Your faith and optimism made me hope of the things I can’t even trust before. I love you so much. You keep me sane.”
She kindly smiled at him. “You are so sweet, aren’t you?” she teased.
He gave her a crooked smile. “I’ll go with you on that charity mission. It’s been a while since we went on a vacation, just the two of us.”
“If that charity mission-slash-vacation turns out well for the both of us, we’ll take a vacation with the kids too, all right? They miss you.”
“I know.” Inihilig ni Reeve ang ulo sa isang binti niya. “Screw the board members. After this case, I won’t go crazy proving myself to them anymore. Kung hindi mo lang sinabi sa akin na huwag papatol sa matatanda, matagal ko na silang napaalis doon.”
Kapag may napatunayan na si Agatha, siya pa mismo ang magpapaalis sa mga taong iyon.
Na-miss niya na kausap nang ganoon ang asawa kaya naman matagal yata itong nakababad lang sa tub habang pinag-uusapan nila ang tungkol sa high profile senior members ng Monteverde Hotels at Anderson Auberge.
Apat ang senior members ng AA—Mr. Prial, Sen. Lustre, Dr. Jereza, and Mr. Tezoro. Mga kaibigan iyon ng daddy niya. Ninong pa nila sa kasal si Mr. Tezoro.
Lima naman ang senior members ng Monteverde Hotels—Mr. Sanchez, Hon. Fortuito, Engr. Alcaide, Dr. Gimena, and Dr. Regio.
Those nine men all came from prominent, either political or old rich families.
“So, who hates you the most?” mapagbiro niyang tanong—with a hint of half-truth, of course.
“Senator Lustre and Doctor Jereza from Anderson Auberge. Engr. Alcaide joins them. Tuwing may meeting, sila lagi ang tumututol sa mga plano ko para sa mga hotel. Fortuito and Regio always discourage me from all of my visions, though. Lalo na para sa bago kong ipinapatayong—” Tumigil ito sa pagsasalita.
“May bago kang ipinapatayong hotel?”
He shrugged. “More of travel inns para sa mga bagong sumisikat na tourist destinations. I’ve mentioned that to you, haven’t I? Anyway, matanda na sila. Lagi nilang inirarason na mas marami na silang experience sa ganito at ganyan… That’s why they won’t support my plans. But I pushed on anyway and they started being a pain in the ass.”
She threw her arms around his still wet shoulders. “Ayaw pa ba nilang mag-retire?”
Umiling ito. “I will gladly give them their millions worth of retirement fee. But those old men won’t rest until they had kicked me out of my position.” He sighed. “I miss talking to you, sweetheart, but I have to get going.”
“Basta sasama ka na sa charity mission? Ipapalagay ko na ang pangalan nating dalawa.”
Tumango si Reeve. Umahon na rin ito mula sa tub at hindi man lang nag-abalang abutin ang roba at tuwalya. Naglakad ito papunta sa shower panel.
At katulad nga ng inaasahan ni Agatha, halos hindi na niya nakita ang asawa dahil sa kaso ng nasunog na hotel. She helped with the victims, though. Nakiramay siya sa mga burol kapag hindi kayang pumunta ni Reeve.
After a week, hindi pa rin nareresolba ang kaso kung ano talaga ang pinagmulan ng sunog, kung bakit kumalat at lumaki iyon nang sobra para tupukin ang buong hotel, at kung bakit hindi gumana ang advanced fire alarm system. Dahil doon, lalo sigurong nanggigil si Reeve na malaman ang katotohanan kaya halos hindi na ito umuuwi.
Rainiel was even upset because Reeve didn’t make it to his soccer competition. Riana started to ask about Reeve too. Araw-araw ay hinahanap sa kanya ng mga anak si Reeve. Nagpapaliwanag naman siya nang maayos sa dalawang anak na nakakaintindi na.
Pero may mga oras din pala na kahit gusto niyang intindihin na malaking problema talaga ang inaasikaso ng kanyang asawa, nakakatampo pa rin.
“I can’t what?” Kung hindi lang napigilan ni Agatha ang sarili ay napasigaw siguro siya sa telepono habang kausap ang secretary ni Reeve.
“I’m sorry, Ma’am Agatha, but Sir Reeve is still not available. Ka-meeting po niya ang ilan sa senior members ng board.”
Pati sa telepono ay hindi na niya makausap ang as awa? Kinagat ni Agatha ang dila dahil sa tingin niya ay makakapagsalita siya sa paraan na baka matakot ang kausap. Ayaw pa naman niyang nakakahawa ng bad vibes. Isa pa, hindi na iyon kasalanan ng secretary ng kanyang asawa.
“All right. Can you give me a call kapag puwede na siyang makausap?”
“Yes, Ma’am! Sasabihan ko po agad si Sir to call you back right after the meeting.”
Pagkatapos ng tawag ay nagbilang si Agatha ng hanggang sampu sa isip. She held her breath and slowly released it.
“Mommy, is Daddy coming home na?” Riana asked. “He must be really, really, really, really tired from work, Mommy. Does Daddy go to sleep?”
Kahit paano ay natawa si Agatha sa tanong. “Umuuwi naman si Daddy. Pero tulog na tayo kapag umuuwi siya. Tulog pa tayo kapag umaalis siya.”
“Ohhhh.” Riana nodded. “Daddy likes working, Mommy?”
“Yes.”
“I wanna be like Daddy when I grow up, Mommy,” Rainiel said. “I want to be the boss too. Pero uuwi ako lagi, Mommy. And I won’t make you cry.”
“Rainiel…” Kailan siya umiyak? Umiyak ba siya? Nakita ba iyon ng anak niya? Oh! The forgotten anniversary last May…
Napailing na lang si Agatha. Naka-move on na siya sa nangyari. If she would dwell on that negative emotion, she would hold it against her own husband. Pero kasama iyon sa mga pag-uusapan nila ni Reeve kapag nasolo na niya ang asawa. Hindi na siguro siya nasasaktan ngayon pero may kaunting tampo pa rin.
Mula pagkabata, natutuhan na ni Agatha na huwag magpapalamon sa mga negatibong emosyon. At dapat marunong siyang tumiyempo ng tamang oras para pag-usapan ang mga hinaing o problema niya.
Pero siguro, ang mga paraan niya noong dalaga pa siya ay hindi laging epektibo ngayong isa na siyang asawa at ina.
Her emotions were pent-up. Kaya sumabog na lang siya bigla sa harap ng kapatid at ilang pinsan niya. Kuya Johann, Dylan, Ramses, and Charlie were shocked when she burst to tears in front of them. Hindi naman niya gustong maiyak pa sa harap ng mga ito. Pero basta na lang talaga siyang naiyak.
“Buntis ka na naman ba?” nababahalang tanong ni Johann.
Umiling si Agatha. She just visited her OB, hindi naman daw. “I’m sorry, mga kuya. Baka kailangan ko lang talagang ilabas na. It’s just that… I feel neglected.”
“How about your past issues? Iyong mga hindi n’yo na napag-usapan dahil sa sobrang pagka-busy niya?” naiinis na tanong ni Kuya Charlie. “Naging busy din ako sa maraming bagay at kapag sumosobra na ako, pinagsasabihan naman ako ni Erica.”
“Agatha, you shouldn’t have kept all this to yourself,” Kuya Ramses said. He lightly rubbed her back. “Napuno ka na dahil hindi ka lang umiintindi kundi dyina-justify mo rin ang actions ng asawa mo.”
Kuya Dylan pulled her for a hug. “You don’t deserve to be treated like this.”
“Kapatid, thumbs-up kay Lord ang mabait,” sabi ng Kuya Johann niya. “Pero ang mabait na masyado para hindi mag-open up sa asawa kasi ikaw na lang ang iintindi, it’s a ‘no’ kay Lord. Kahit pa maganda ang intensiyon mo, kapag hindi mo nagawang kausapin ang tao para sa ikai-improve niya, ligwak din tayo.”
“Huwag mo nang sermunan si Agatha,” pagtatanggol ni Kuya Charlie.
“Hindi ko siya sinesermunan. Kapatid ko siya, mahal ko siya kaya dapat maitama din natin siya.”
“Dapat si Reeve ang pagsabihan mo!” naiinis na sabi ng Kuya Dylan niya.
“Ikaw, ang biased mo.” Hinila siya ni Kuya Johann at niyakap din. “Alam ni Agatha ang tama. Mare-realize din niya iyon kapag mababa na ang emosyon niya. Pero tama na ring may nasabihan siya.”
“Pero mali din si Reeve!” Kuya Charlie insisted. “Dapat pagsabihan din siya.”
“At si Agatha na ang gagawa n’on. Issue nilang mag-asawa `to. Hindi tayo dapat nakikisawsaw,” sabi naman ni Kuya Ramses.
“Biased din kayo,” akusa ni Kuya Dylan kina Kuya Ramses at Johann. “Asawa n’yo ang mga pinsan ni Reeve, so of course, you’ll side with him. Well, I would just like to remind you, Agatha is our own family here.”
“Please, huwag na kayong mag-away-away,” saway niya sa kapatid at mga pinsan. “I’m sorry. Hindi ko dapat sinasabi sa inyo ang mga ganitong bagay. I’m just tired. Napagod ako sa pag-aalaga sa mga anak ko and I haven’t spoken to Reeve for a week now.”
Malapit na nga rin ang alis nila ng asawa para sa charity mission pero hindi pa niya alam kung matutuloy sila.
“Makakaasa kang walang makakaalam nito at hindi kami makikialam,” pinal na sabi ng kapatid niya. “Tama lang siguro na nailabas mo ito ngayon para kapag nag-usap kayo ni Reeve ay mas masabi mo nang tama ang mga problema na dapat ninyong solusyunan.” Nginitian pa siya nito.
Tiningnan niya sina Kuya Dylan at Kuya Charlie na nakasimangot pa rin pero hindi na umimik.
She smiled at them. “Thank you so much for visiting me and the kids…” Pinunasan niya ang mga luha.
“Halika, pray tayo?” nakangiting yaya ni Johann. “Para mawalis `yong mga agiw sa puso natin.”
Napayakap siya nang mahigpit dito. “Kuya…” Agatha was thankful to have a faithful brother like Johann.
When he started whispering a prayer, naramdaman niya na kasama nang yumakap sa kanya ang tatlo pang pinsan na mahal na mahal din niya.
After that, she felt lighter. Although her issues were still lurking, she could think clearly now.
May nag-doorbell sa labas.
“I’ll get it,” Kuya Ramses volunteered. Lumabas ito saglit at pagpasok ay may dala nang envelope. “Confidential? Agatha, what is this?”
Napakurap siya at kinuha ang sealed envelope. “Just a little investigation…”
“About what?”
Napayuko siya. “The board members of the hotel.”
Sabay-sabay na nalaglag ang panga ng apat na lalaki sa harap niya.
“Bakit mo sila pinaimbestigahan?”
“L-lagi kasi nilang inaapi si Reeve…” Napalabi siya. “I just want to know why they are like that. Saka gusto ko ring malaman kung may alam o may kinalaman ba sila kung bakit laging nasasabotahe si Reeve sa trabaho. He works real hard because of these men. Reeve has been trying to impress and earn their trust for years now. Pero ayaw na ayaw pa rin nila kay Reeve. Kaya nagpaimbestiga na ako. At kapag napatunayan kong tinraidor nila si Reeve, I can… fire them.”
“Wow, fierce!” Johann reacted.
Napangiwi si Kuya Charlie. “You’re like Kuya Bari! May sariling imbestigasyon!”
“No. Not just ‘like,’” sabi ni Kuya Dylan. “She’s the girl version of him!”
“I miss Kuya Bari…” nasambit ni Agatha. Nawawala pa rin kasi hanggang sa mga sandaling iyon ang panganay nilang pinsan. Nag-aalala na rin sila para kay Auntie Bella dahil magkasamang nawala ang mag-ina.
But going back…
Napatingin siya sa envelope.
When her brother and cousins went home, she decided to read the reports. And there were enough pieces of evidence to support and love her husband more through thick and thin… through friends and enemies.
Kailangan niyang ipaalam kay Reeve ang mga nalaman ngayong may mga ebidensiya na siyang hawak. But she never got the chance to tell Reeve because of the accident she got into.
Present time
PAPA Roman was rushed to the hospital immediately. Thank God he was revived in the emergency room. However, he remained unconscious and he needed to stay in the intensive care unit.
Maraming tubo ang nakakabit sa katawan ng kanyang father-in-law. May abnormality sa blood pressure nito. What happened was his blood shot up without any cause. May pumutok na ugat sa utak nito and that triggered the stroke. Walang nakakaalam kung kailan ito magigising o kung magigising pa.
Mama Leona and Reeve stayed in the hospital. Naintindihan naman ni Agatha kung ayaw iwan ni Reeve ang papa nito.
“Mommy, is Grandpa going to be okay?” Riana asked, worried.
Hinaplos niya ang buhok nito. Hindi niya alam kung paano sasagutin ang tanong pero... “We’ll continue praying, baby. Lahat tayo, gustong gumaling ang grandpa n’yo.”
Yumakap si Riana sa baywang niya. “Grandpa is a sweet grandpa, Mommy. Is Daddy taking care of him? Hindi pa umuuwi si Daddy...”
“Love na love kasi ni Daddy si Grandpa kaya gusto niya laging magbantay. But don’t worry. Uuwi din si Daddy.”
Tumango si Riana at mas yumakap sa kanya. From the playmat, Adam walked towards them and raised his arms, wanting to be held. Binuhat niya ito at kinandong. Rade was sleeping in his crib.
Bumukas ang pinto ng kuwarto at pumasok si Rainiel. Kagagaling lang nito sa soccer practice. Ayaw nitong magpasama kanina kaya inihatid at sinundo na lang ito ng mommy niya.
“Mommy, can we visit Grandpa?” bungad agad ni Rainiel. Ang mga mata nitong namana kay Reeve ay puno ng pag-aalala.
“Come here...” She extended her free hand. Inabot nito iyon at tumayo sa harap niya. Pinunasan niya ang pawis sa noo nito. “We’ll wait for Daddy’s call kung puwede nang bisitahin si Grandpa, all right? Ngayon kasi, hindi pa puwede.”
Nakakaintinding tumango si Rainiel pero nalaglag ang mga balikat. Malapit ang mga anak niya kay Papa Roman at sa lahat ng grandparents ng mga ito kaya ang nangyari kay Papa Roman ay nagpalungkot nang sobra sa mga bata.
“I’ll just take a shower...” Lumayo na si Rainiel at lumabas para pumunta sa sariling kuwarto.
Tumayo na rin si Riana. Nagugutom daw ito. Binuhat niya si Adam at sinimulan na niyang asikasuhin ang mga anak.
Kahit ayaw niya ay hindi niya magawang itago ang kalungkutan. Gusto niyang pasiglahin ang mga anak pero siguro may inilaang oras para sa kalungkutan at ngayon iyon. Pero mamaya, iisip siya ng paraan para bumalik ang sigla ng mga bata.
THE NEXT day, umuwi si Reeve pero hindi sila nakapag-usap. Naligo at nagbihis lang ito, kinausap ang mga bata, at pagkatapos ay umalis na rin.
Nang sumunod na araw ay ganoon uli. Umuwi lang ito para maligo at magbihis.
Pero hindi niya alam na nasa banyo na pala ito pagkagising niya. Nagtuloy-tuloy siya sa pagpasok sa banyo para maghilamos. Napasinghap siya sa pagkagulat nang makita si Reeve na nakababad sa bathtub.
Napatuwid ito ng upo nang makita rin siya.
“I’m sorry!” Inilayo niya ang tingin. The tub had no bubbles in it. It was just filled with clear warm water. Kaya naman makikita ang buong kahubdan ni Reeve.
“No. I’m sorry I forgot to lock the door,” parang pagod nang sabi nito. “Riana’s bathtub isn’t working kaya dito ko na lang naisip magbabad...”
“It’s actually okay. Sa `yo din naman ang banyo. Ahm, just relax in there.”
Palabas na sana si Agatha ng banyo pero hindi niya magawang maihakbang ang mga paa. A tiny voice was forcing her to stay.
Pero bakit naman kailangan niyang manatili roon? It was her husband’s private time and...
Ayaw niya talagang umalis.
“Maghihilamos lang ako...” sabi na lang niya. Nasa likuran naman ng tub ang lababo kaya ayos lang na sabay silang gumamit ng banyo.
“Sure...” Dahil sa kapaguran ay halos pabulong na lang ang boses nito. Paos.
Mukhang hindi natutulog si Reeve sa ospital. Hinihintay nitong magising ang ama.
Agatha did her normal morning routine. “Kumusta ka na?” she carefully asked.
“Stable na ang kondisyon ni Papa. I guess I’m feeling much better than the other day,” sagot nito.
“Malaki ba ang chances na magising na siya?”
“We’re praying. Nag-usap na rin kami ni Mama na kung sakaling hindi na magising si Papa...” His voice faded, it almost broke. “Sabi ng mga doktor, kung magigising din si Papa, he may not be able to move or speak.”
Napabuntong-hininga si Agatha. Her chest tightened. “I’m sorry, Reeve. This is hard for you.” Alam niyang sobrang lapit ng mag-ama sa isa’t isa.
“Life can get worse. At least I’m ready.” Reeve chuckled dryly.
Nanatili siyang nakatalikod sa tub. Sumandal siya sa glass panel na naghihiwalay sa sink at bathtub.
Gusto niyang damayan si Reeve. Gusto niyang iparamdam sa asawa na sa kabila ng sitwasyon nila, kakampi pa rin siya nito.
“Nasa ospital ba si Mama?” naisip niyang itanong. She wanted to have a conversation. Reeve might need someone to talk to.
“Yes. Bumisita ang mga board members at si Mama na ang nag-asikaso sa kanila. Kaya din ako umuwi. I’m not in perfect shape to face them. Baka may masabi na naman ang mga tao sa kompanya kapag nakita nila ako sa ganitong estado.”
Napapikit si Agatha nang sumakit ang sentido. Tanda raw iyon na may memoryang bumabalik sa kanya. But she wasn’t able to catch it.
She took a deep breath. “Iyan na ba ang problema mo sa trabaho mula pa sa umpisa? Ang mga board members?”
“Siguro. Hindi ko na alam…”
“Hold on there, Reeve…” pagbibigay-lakas loob niya rito. There was a certain urge inside her to hold him…
Lumingon siya sa tub at nakitang tahimik lang na nakahiga roon si Reeve.
“I will…” pabulong nitong sagot.
Lumabas na si Agatha ng banyo at nagpalit ng damit sa walk-in closet. Nagising na si Rade at kumatok na sa pinto si Riana. All the kids were now awake. Bumaba na si Agatha para maghanda ng breakfast.
While the children were eating, bumaba na mula sa itaas si Reeve.
“Daddy!” Riana jumped out of her chair and ran towards Reeve. “Daddy, how are you? I’ve missed you! How’s Grandpa? Is he awake na?”
Yumuko si Reeve sa harap ng anak. Niyakap nito si Riana nang mahigpit.
“Daddy!” Adam called and tried to extend his arms from his baby chair. “Daddy, miss you!”
Lumapit din si Reeve kina Adam at Rade at binigyan ng tig-isang halik sa bumbunan ang dalawa. Binuhat din nito si Adam at hinaplos si Rade. “Sorry, li’l boys. You missed your Daddy Time…”
“Kumain ka na,” yaya ni Agatha. She smiled at him. “I prepared your favorite breakfast.”
“Thanks.” Umupo si Reeve sa kabisera. Nakaayos na ito at mukhang handa nang pumasok sa trabaho. But his eyes were tired and gloomy.
She wanted to console him. But she didn’t know how. She couldn’t remember how, perhaps.
Kahit paano ay naitawid naman nila ang almusal habang kinakausap ang kanilang mga anak.
“Daddy…” she heard Rainiel call.
Nilingon ito ni Reeve na nagliligpit na ng mga pinagkainan nila.
“Daddy…” Yumuko si Rainiel. “I… I’m praying for you and Grandpa, Daddy. Everything’s going to be okay.”
Reeve smiled and looked away, tears forming in the corner of his eyes. “T-thanks, son. Daddy needs that.”
Tumayo si Rainiel at yumakap sa baywang ni Reeve. Suddenly, Rainiel cried.
Nagkatinginan sila ni Reeve. Kahit malaki na ay nagawa nitong buhatin si Rainiel at iniakyat ni Reeve ang anak sa kuwarto nito.
“Why is Kuya Rain crying, Mommy?” Riana innocently asked.
Kinandong niya ito at niyakap. “Baby, thank you for being a sweetheart to your daddy. He needs that right now. Kapag nakikita mong malungkot si Daddy, you kiss and hug him, all right?”
Tiningala siya nito. “Okay, Mommy. Bakit hindi na kayo nagha-hug at nagki-kiss ni Daddy? Hindi ko na nakikita, eh…”
Hinaplos ni Agatha ang buhok nito. “Let’s get you ready for school,” pag-iiba niya sa usapan.
Nang matapos siyang asikasuhin si Riana ay nakahanda na rin si Rainiel para sa school. Nagmamadali na si Reeve para hindi ma-late ang mga bata kaya hindi na sila nakapag-usap pa.
The days continued with Papa Roman still in coma. Inaasahan na ni Agatha na hindi niya masyadong makikita si Reeve dahil marami itong inaasikaso.
But surprisingly, he always went home for dinner. Nakakasabay nila itong kumain. Mostly, he would spend time with their children.
Reeve would help Rainiel with his homeworks. Nakikinig naman ito sa mga kuwento ni Riana. Nakikipaglaro ito kay Adam. At sa pagsapit ng oras ng pagtulog ay hinehele nito si Rade.
Kapag tulog na ang lahat ng mga bata, aalis na si Reeve para bumalik sa ospital. Uuwi na lang ito sa umaga bago magising ang mga bata.
Paggising ni Agatha isang araw ay may mga sariwang bulaklak na sa bedside table. Bumangon siya at inabot ang maliit na card sa tabi niyon.
I never forgot about you, even in the busiest days of my life, Agatha. I’m sorry I can’t join you in your therapy and we need to miss some counselling sessions. And even if I’m not worth it, thank you for staying.
—Reeve
Inamoy niya ang mga bulaklak at napapikit sa matamis na bango niyon. Tumayo siya at pumunta sa kabilang kuwarto. Reeve was sleeping. Riana and Adam were hugging him from each side.
Despite all the bad memories she remembered with Reeve, she saw his best effort to be a good father. Sa kabila ng pinagdaraanan nito, he pushed himself to be stronger in front of their children.
Siguro pareho na lang nilang napagtanto sa mga sarili na hindi na muna mahalaga sa ngayon ang nararamdaman nila para sa isa’t isa. Ang mahalaga ay pareho nilang mahal ang kanilang mga anak. At mananatili silang magkasama para sa mga ito.
Bumalik si Agatha sa kuwarto. At sa pagkakataong iyon, naalala na niya kung paano magdasal nang taimtim. It was indeed in the toughest times of life that we got to realize that we only got Him.
ANOTHER two weeks had passed. Hindi pa rin nagigising si Papa Roman but there were signs that he could became conscious any time now. Doon pa lang ay masayang-masaya na sina Mama Leona at Reeve.
Agatha felt excited and happy about the news too. So far, she was doing good in her therapy sessions. Wala pa rin siyang maalala tungkol kay Reeve. But at least, wala naman nang nadagdag na bad memories. She got to understand herself more. Although some days, she would still get confused by her feelings.
Nakabalik na rin siya sa Dgroup kahit paano. She was slowly getting interested in her spiritual life again. Not that giddy but she was interested again.
Para siyang isang sanggol na nagsisimula uli sa pinakaumpisa. And people around her were supportive enough to help and guide her.
Lalong-lalo na si Reeve.
Sinamahan siya nito para sa panghuling audition na pinuntahan niya. Kapag hindi pa siya napili ay tatanggapin na niya ang alok ni Trisha.
“Puwede mo naman akong hindi samahan, Reeve. Mas kailangan ka sa trabaho o kaya sa ospital.”
“I got people to do work on my behalf. Mama’s taking care of Papa.”
She sighed and hugged herself. “I’m going to play the piece that I composed.” She fixed and refined some notes.
“That’s a great piece,” he complimented. “Do you have a title for it already?”
Tumango siya. “What is it?”
Nginitian niya ito. “Aphiami.”
Napakunot-noo si Reeve. “Which means?”
Nginitian lang niya ito. Nang tawagin ang kanyang pangalan ay humarap siya kay Reeve. She rose on tiptoes and kissed him on the cheek.
Napakurap ito at nakamata lang sa kanya. Tumalikod siya at lumapit na sa piano.
“You’re going to play your own composition?” the panel asked.
“Yes, Sir,” she answered.
“Aphiami? What does it mean?”
Sumulyap siya kay Reeve na nakaupo sa likuran. Parang iniisip pa rin ng asawa ang iniwan niyang halik sa pisngi nito.
“To forgive,” sagot niya sa panel. “To forgive a person like he never sinned before.”
She saw Reeve straighten in his seat. Umupo naman siya sa harap ng piano at nagsimula nang tumugtog. She played like she always did…
To be able to do something real, you have to do things with your heart in it. To produce something that others soul could connect to, you must put love in it.
Love is a universal language that every people can understand. And what is love if we can’t forgive? Tama ang mommy niya, hindi siguro talaga nawala ang pagmamahal niya para sa asawa.
At ngayon, handa na siyang patawarin—
Nasa gitna ng pagtugtog si Agatha nang bigla siyang mapahinto. Kusang tumigil ang kanyang mga kamay at napapikit siya nang mariin.
Nasapo niya ang ulo at nawalan siya ng balanse.
“Agatha!” Reeve ran towards her.
“Alam mo, dapat `yong katulad mo, mamatay na lang. Sobrang bait mo kasi, nakakainis. Wala kang puwang sa mundong `to na… Oh, reality check, puro makasarili. Sa heaven ka na lang siguro. Talon!”
“Agatha, talon!” Celina commanded. “Kapag tumalon ka, itatapon namin `tong mga baril para sure na wala kaming mapapatay dito. At maliligtas `tong mga kasama mong hindi ka man lang maipagtanggol?”
“C-Celina, please… I have children w-waiting for me…” umiiyak na sabi ni Agatha. “N-nangako akong babalikan sila…”
“Wala akong paki. Talon!”
Napasigaw siya nang itulak siya ni Celina palabas ng bintana.
Agatha screamed and cried. May mga bisig na pumulupot sa kanya.
“Sweetheart…”
“Celina! She tried to kill me!” she screamed. Hilam sa luha ang mga mata niya. Kumapit siya sa braso ni Reeve. “Ang inaalagaan ko sa Iddu noon, she almost killed me! Reeve, she pushed me out of the window!”
“W-what?”
“It’s not an accident! She almost killed me! Gusto niya akong patayin, Reeve! Siya ang may kasalanan kung bakit ako nahulog sa bus at sa bangin!” she cried hysterically. “Tumakas siya! Tumakas siya sa Iddu!”
“Agatha, I know where she is,” sabi ni Reeve, parang nag-aalangan pa.
Napasinghap siya. Anger shaped fully inside her. “She has to pay for what she has done! She should rot in jail! She should die there!”
Niyakap siya ng kanyang asawa. Agatha kept on crying and screaming. Magbabayad ang babaeng iyon! Magbabayad si Celina! Ipapakulong niya ito at doon na ito mamamatay!
Hindi na niya alam kung ano ang mga sumunod na nangyari. Kinabukasan na siya nagising. Ang sabi ni Reeve ay may kailangan silang puntahan.
Agatha felt so… empty. Dead with anger.
“What are we doing here?” nagtataka niyang tanong kay Reeve nang nasa harap sila ng main headquarters ng NBI.
Hinawakan nito ang kanyang kamay. “I know it’s not the perfect time but you already remembered what happened. Gusto kang makausap ni Celina.”
“She’s in there?!” bulalas niya. Her anger was too intense that her heart ached. Naiiyak siya sa sobrang galit na nararamdaman.
“The NBI has been keeping her in a safe house in Iddu for almost four months now. Parte siya ng isang robbery syndicate. And she’ll only talk if she’ll be able to speak with you— Agatha!”
Agad siyang bumaba ng sasakyan. Sumunod sa kanya si Reeve at nakapasok agad sila sa loob ng headquarters. Parang inaabangan sila dahil may apat na lalaking agad na nagdala sa kanila kung saan muli niyang nakaharap ang babaeng inalagaan nang ilang buwan… na siya rin palang babaeng nagtangkang pumatay sa kanya.
“Agatha…” Napatayo si Celina nang makita siya.
She slapped her hard, twice. Celina whimpered in pain.
“Agatha, no!” pigil sa kanya ni Reeve.
Nagpumiglas siya nang malakas at hinila ang mahabang buhok ni Celina. Napasigaw ito sa sakit at napaiyak.
“Patawarin mo `ko. Patawarin mo `ko!” paulit-ulit na sabi nito.
Agatha cried and kept on slapping and pulling Celina’s hair. Ilang beses siyang pinigilan ni Reeve. Ipinulupot nito ang braso sa baywang niya at malakas siyang binuhat palayo kay Celina.
“Agatha, stop it!”
“Celina!”
Napahinto siya nang makita si Niel na pumasok sa loob ng kuwarto at dinaluhan si Celina.
“N-Niel?” Napatingin siya kay Reeve. “What’s happening?”
Napakunot-noo rin ito. “Bakit kasama ka dito?” tanong nito.
But Niel ignored them. Inalalayan nito si Celina na namumula na ang mga pisngi dahil sa pagsampal niya at gulo-gulo na ang buhok dahil sa pagsabunot niya.
Kahit naguguluhan pa rin kung bakit nandoon si Niel ay sumabog pa rin ang galit ni Agatha.
“Ipapakulong kita! You tried to kill me! Nagmakaawa ako sa `yo noon para sa mga anak ko pero gusto mo pa rin akong mahulog sa bus, sa bangin! You took me away from my children! You’re going to hell, Celina!” umiiyak niyang sigaw. Nasasaktan, napopoot nang labis. “You’ll rot in jail! Doon ka mamamatay! Sisiguruhin kong maghihirap ka doon!” Agatha couldn’t control the words coming out of her mouth.
“Hindi puwede,” biglang singit ni Niel. “Hindi siya puwedeng makulong, Agatha. Nagmamakaawa ako.”
Kahit galit ay lalo pa siyang naguluhan. “A-ano’ng sinasabi mo, Niel?”
Napahikbi si Celina at yumakap kay Niel.
“Hindi puwede,” sambit pa rin ni Niel, nakatingin nang deretso sa mga mata niya. Nagsusumamo. “Buntis siya!”