Chapter Eighteen
*Second chance is rare.
It knows no age. It knows no sin.
You just have to be worth it.*
“HAPPY birthday, happy birthday… happy birthday to you!” pagtatapos ng mga tao sa pagkanta.
“Whisper a prayer before you blow your candles, darling,” Reeve said to Riana.
Yumuko naman si Agatha at binulungan naman si Sasa. “Pray ka ng gusto mo, anak. `Tapos, puwede mo nang hipan ang kandila.”
The two lovely girls clasped their hands and closed their eyes. Later on, sabay ring hinipan ng dalawa ang kandila ng mga ito.
Riana had a pink cake with candy laces on it. Sa itaas niyon ay may nakalagay na number “6.” Ang kay Sasa naman ay isang rainbow cake na may iba’t ibang gummy bears na nakadikit sa mga sulok. On top of it was the number “5.”
The guests clapped their hands and cheered for the two girls. Sa town house lang din ginanap ang munting birthday celebration ng dalawa.
“What was your prayer, sweetie?” Kuya Dylan asked Riana.
“That’s a secret, Tito! I’ll tell you once I have it na.”
“How about you, cutie pie?” yuko ni Prince kay Sasa. “Ano’ng ipinag-pray mo?”
“Secret din po,” Sasa cutely answered. Then she hugged her. “Inay, puwede kain ko cake ko? `Tapos, Inay, pasalubong kay Itay ang tira?”
“Puwede naman. Kain ka na.” Agad na nag-slice si Agatha ng cake para kay Sasa. Pinaupo niya ito katabi nina Rade at Adam sa children’s table. “Kapag gusto mo pa, sabihin mo lang sa akin, ha?”
“Opo, Inay! Salamat!” Sasa happily ate the cake. Hinalikan niya ito sa bumbunan bago nilapitan si Riana.
“Happy birthday, baby…” Niyakap ni Agatha ang anak at hinalikan ito sa pisngi. “Are you happy?”
“Yes, Mommy! I’m very, very happy! Sasa looks happy too!” Niyakap siya nito sa leeg. “Thank you, Mommy, because you’re finally here with us. Kinulit ko talaga si Jesus, Mommy. Para kasama ka namin nina Daddy.”
Napapikit si Agatha at niyakap niya nang mas mahigpit ang anak. Napakabilis lumipas ang mga araw at napakabilis ng lahat ng pangyayari.
More than a week ago, she was just a confused “Seline.” Days later, she was able to recall who she really was—her family, her children… Napakabilis talaga ng lahat.
Pasimple niyang inilibot ang tingin at hinanap si Reeve. She found him talking to Prince.
Wala na talagang nadagdag na alaala niya rito. Not even a single good memory of Reeve. Para man lang mas maintindihan niya kung gaano nga ba kaenggrande ang sinasabi nitong “pagmamahalan” nila.
Agatha never doubted that Reeve was her real husband like she used to doubt Niel. And being around Reeve was a whole lot different. At first, it was awkward. But later on, ang pagkilos at pagsasalita niya ay natural na.
Even the pain from her memories of him was real, she could still feel it. Kahit sinabi ni Reeve na ilang taon na ang lumipas sa karamihan ng mga naaalala niya.
Sinundan niya ng tingin si Reeve pagkatapos nitong kausapin si Prince. Lumapit ito kay Rainiel na kumakain kasama ang mga tito nito.
“Mommy, can you give me another slice of cake, please?” Riana asked politely.
“Sure, baby.” Kinuha niya ang platito nito at bumalik siya sa mesa para humiwa ng cake.
“Hey, take this.”
Napalingon si Agatha nang marinig ang boses ni Rainiel. Nakatayo na ito sa tabi ni Sasa. May ibinibigay itong maliit na regalo.
“Ano `to?” Kinuha ni Sasa ang maliit na regalo at inalog iyon.
“That’s Daddy’s gift to you. Bigay ko raw sa `yo.” Nakasimangot si Rainiel habang nagsasalita. “You’re a messy eater! Look at your face! Full of cake crumbs. Lalo kang pumangit.”
Sasa stuck her tongue out at Rainiel.
Ibinigay muna ni Agatha kay Riana ang hiningi nitong cake bago niya hinila sa isang tabi ang kanyang panganay.
“Baby, what did I tell you? You should be nicer to younger kids, lalo na kay Sasa,” she scolded lightly. “Lagi mo siyang sinasabihan ng pangit. Is that a proper thing to say to a girl?”
Nag-iwas ito ng tingin at lumabi.
“It’s our last day here today. I’m not ordering you to like Sasa, baby. But please, just be nice to her. It’s her birthday pa. Hindi na natin siya kasama kapag umuwi tayo. You see, I’m choosing you, Riana, Adam, and Rade. Sa inyo ako sasama. So you don’t need to be rude towards Sasa.”
Tumingin na si Rainiel sa kanya. He looked sorry.
“This is our last day here and with Sasa. Kapag narinig kong sinabihan mo pa siya na pangit, I’m going to pinch your tongue. Would you like that?”
Umiling ito.
Hinaplos niya ang buhok nito. “Say sorry to her. And if you have nothing to say nice, then don’t talk. Words are powerful, anak. Even if you don’t really mean what you say sometimes, makakasakit at makakasakit ka ng damdamin ng ibang tao.”
“Sorry, Mommy…” Tumalikod na si Rainiel at lumapit kay Sasa. “Sorry…” mahinang sabi nito.
“Bakit?” nagtatakang tanong ni Sasa.
“Because I said you’re ugly. Sorry…”
Sasa smiled and handed the small gift to him. “Pabukas ako, Kuya Rain.”
Napasimangot si Rainiel pero kinuha nito ang regalo at binuksan.
“Wow!” Nanlaki ang mga mata ni Sasa. “Ano `yan?”
Agatha chuckled and stepped closer to them. “It’s a necklace, Sasa. Regalo sa `yo ng Kuya Rain mo?”
“It’s from Daddy, not me,” sabi agad ni Rainiel.
It was a silver necklace with a “sun” charm. Noon naalala ni Agatha na “Sunsenrae” nga pala ang tunay na pangalan ni Sasa.
“Thank you, Manong!” sigaw ni Sasa sa buong kuwarto para marinig ni Reeve.
Unang humagalpak ng tawa sina Kuya Johann at Prince. “Ang sosyal naman ni Manong , nagbigay ng kuwintas. Tunay na silver, hindi nangingitim.”
Inignora ni Reeve ang dalawa at lumapit kay Sasa. Lumuhod ito sa harap ng bata.
“Ingatan mo `yan, ha? Gusto kong hanggang sa paglaki mo, na sa `yo pa rin iyan.”
“Opo, Mano—ay, Tito Reeve pala.” Humagikgik si Sasa. “Babalik po ba kayo kaagad?”
Nagkatinginan sila ni Reeve.
“We have school and I don’t want to have more absences.” Si Rainiel ang sumagot. “Maybe we’ll visit you when it’s summer.”
“Summer? Madami ba gano’n?”
“Hindi. Isa lang every year,” sagot na naman ni Rainiel. “Your house is too far from us. Hindi kami laging makakapunta kasi may school ako.”
“Huwag ka na lang sama. Okay lang. Ayaw mo naman sa `kin. Hindi kita hanapin. Hindi kita kailangan.”
Nagsalubong ang mga kilay ni Rainiel. “Hey, you, ugl— Mmmp! Daddy!”
Tinakpan na ni Reeve ang bibig ng anak at inilayo kay Sasa.
Napangiwi naman si Agatha.
“Sasa, ikaw, ha…” saway niya.
Lumabi lang ito. Isinuot na niya sa leeg nito ang kuwintas. Actually, it was a choker. Pero dahil bata pa si Sasa, kuwintas na iyon dito.
She heard Trisha laughed. Nasa tabi lang nila ito at pinapakain sina Adam at Rade. “Kapag `yang dalawang `yan nagkatuluyan, papayag akong ipakasal ni Prince ang anak namin sa anak ni Johann.”
Nagkatawanan lang sila. Binuhat niya si Rade nang oras na para i-breast-feed ito.
Her cousins gave another set of gift to Riana and Sasa. Iba pa pala ang mga natanggap ng mga ito kahapon!
Riana was so delighted she hugged and kissed all her titos and ninongs again. Sasa was jumping with glee. Niregaluhan kasi ito ng kiddie bike ng mga pinsan niya. May kasama pang helmet at knee and shoulder pads.
The two girls got some candies and chocolates too. Regalo naman daw ng mga asawa ng mga pinsan niya.
Speaking of, Agatha didn’t see Lana anywhere. Mukhang totoo ngang sabay-sabay na lang na ipapakilalala uli sa kanya ang asawa ng mga pinsan at ng kapatid niya.
She glanced at her Kuya Dylan. Nakikipagtawanan ito kina Kuya Ramses at Kuya Charlie. Gusto sana niyang tanungin ito tungkol kay Lana pero ano ba ang itatanong niya?
Nakatingin pa rin siya sa pinsan niya nang lumingon din ito sa direksiyon niya at nagtama ang kanilang mga mata.
Nilapitan siya ni Kuya Dylan eksaktong katatapos lang niyang i-breast-feed si Rade. Nakatulog na ang bunsong anak sa mga bisig niya.
“You need anything?”
Agad siyang umiling. “Wala naman, Kuya. Iniisip ko lang kung sino ang mga napangasawa ninyo. Kung paano n’yo sila nabola para pakasalan kayo.”
He chuckled and put his arm around her shoulders. “Sana maalala mo sila. You’re good friends with all of them.”
“Kahit kay Lana?” gulat niyang tanong.
Napatingin ito sa kanya. “You remember my wife?” nakangiting tanong nito.
“Ahm… kind of,” pag-amin niya. She didn’t remember Lana as her cousin’s wife but Reeve’s ex. “Half sister daw siya ni Prince.”
“Yeah. Actually, she’s here in Iddu too. Pero gusto niyang maging fair sa ibang asawa ng mga pinsan natin kaya hindi siya nagpapakita sa `yo. You’re really close to her, you know. Para din kayong magkapatid.”
Napakurap-kurap si Agatha. She suddenly felt sour. Malapit sila ni Lana sa isa’t isa? What was she doing making good friends with her husband’s ex?
At alam ba ng Kuya Dylan niya na ex ng asawa nito ang asawa niya? Why was he so cool about it?
“You know that Lana’s Reeve’s ex-girlfriend, right?” hindi na niya napigilang itanong. “And not just an ex-girlfriend. But his first love. They’ve come a long way.”
Napangisi ang pinsan niya. “And so?”
Niyuko ni Agatha ang anak na mahimbing pa rin ang tulog. Hinaplos-haplos niya ang bumbunan ni Rade. “H-hindi ka ba n-nagseselos? They can still see each other because we are all connected.”
Kuya Dylan chuckled and shook his head. “I’m too old for that. I mean, I have four kids with her. We’ve been through a lot together. And you know, you’ll reach a point in your life where jealousy has no more place in your heart. The love that Lana and I share, it built this unbelievable confidence and unbreakable trust in us. Sure we still fight over little crazy things. But we both know nothing or no one can separate us. Kahit sino pa ang mga minahal namin noon.”
Agatha suddenly felt guilty. Parang may kumurot sa kanyang sikmura. “P-pero puwede pa ring magselos?”
“Sure. It’s a normal human response. But don’t overdo it. Your partner will think you don’t trust him or her.”
Napalabi si Agatha. “You’re not that territorial, huh?”
“Oh, I am, Agatha. I am. But I know for sure, also, that my wife is not mine alone. Lana belongs to Christ. And in this world, the Lord entrusted her to me. So, I’m going to love and believe in her like God always does.”
“Dylan, ikaw na ang mag-set up ng kitchen set ni Riana. Tuturuan namin si Sasa na mag-bike!” sigaw ni Kuya Reynald.
Nagpaalam sa kanya si Kuya Dylan. Medyo hindi pa nakaka-recover si Agatha dahil hindi niya akalaing maririnig mula sa pinsan ang mga sinabi nito.
She felt proud for her Kuya Dylan. She had never heard and saw him this mature before. Mas umigting tuloy ang kagustuhan niyang maalala na ang lahat ng kailangan niyang maalala.
Saka bakit ba siya selos nang selos kay Lana kung naging malapit na magkaibigan din pala sila noon?
“Sweetheart, nangangawit ka na ba? I’ll carry Rade,” sabi ni Reeve nang lumapit sa kanya. Kinuha nito ang kanilang bunso sa mga bisig niya.
“Thanks…” Pinanood niya kung paano nito iniugoy-ugoy si Rade. Their little boy clung to him more. “Ahm, Reeve… maraming salamat.”
“For what?” baling nito sa kanya.
“For this… one week. I mean, I know we stayed to condition Sasa. Pero parang ako rin ay na-condition… sa `yo.” Tumingala siya at sinalubong ang mga mata nito. “Mabilis ang lahat para sa akin pero sa pitong araw na nagdaan, naramdaman kong maraming-maraming nag-iba at mag-iiba pa sa akin—sa atin… pero tinatanggap mo. Maraming salamat kasi kahit alam mong naguguluhan, nasasaktan, at wala pa rin akong maalalang magandang pakiramdam sa `yo. Ipinakita mo sa akin na hindi iyon ang magpapasuko sa `yo.”
Napakurap ito. “I owe this to you. You owe this to yourself. We owe this to each other. Really.”
“Sa totoo lang, natatakot din akong umuwi o bumalik sa buhay na mayroon talaga tayo. Pero gusto kong magpagamot para mas maalala pa ang mga taong parte ng buhay natin. Gusto kong masagot kung bakit ganito ang mga nararamdaman ko. Gusto kong malaman kung bakit sa lahat ng naaksidente sa bus, ako ang pinili ng Diyos para mabuhay. Gusto kong…” Nahihiyang napayuko siya. “I want to remember you, Reeve. All of my memories with you. Not just the bad ones.”
Napatingin siya sa kamay nitong humawak sa kanya. “What if… all you can remember are the bad ones, sweetheart? Will you ever think of forgiving me?”
Binawi niya ang kamay rito. “Kapag ginalingan mo sigurong manligaw.”
Their eyes met and they chuckled together.
“Ibang-iba ka na…” bulong nito at masuyong hinaplos ang mga labi niya. “Pero mahal na mahal pa rin kita.”
That. That love. She wanted to feel how intense, deep, and believing that kind of love they once had. Nakikita niya sa mga mata nito kung gaano kalalim at kaganda sana ang pagmamahal na iyon.
“Mommy, look! Sasa can bike!”
“Inay, Inay! Marunong na `ko bike!”
Napalayo siya kay Reeve at napatingin sa mga bata. She excused herself and joined the kids. She spent almost all of her time with Sasa that day. Sinusulit na niya dahil hindi niya sigurado kung kailan siya makakabalik uli sa Iddu.
Hanggang sa dumating na ang oras na kailangan nang magpaalam.
Like any other good-byes, it was harder when you didn’t know exactly when you were going to meet again.
Pagkahinto ng sasakyan ni Reeve sa harap ng kubo nina Sasa ay agad na bumigat ang dibdib ni Agatha.
Inihatid niya si Sasa hanggang sa bakod. Naghihintay na si Niel sa labas ng kubo. Meanwhile, Reeve quietly carried the cake and the other gifts that Sasa received that day.
Bumaba rin ng sasakyan si Riana.
“We’ll call you, Sasa. Itago mo ang phone na gift ko sa `yo, ha?” Riana said kindly. “I’ll call you and we’ll talk after my school.”
“Sige, Ate Riana.” Nakangiti lang si Sasa. May nakataling lobo sa kamay nito.
The two little girls hugged each other.
“Thank you, Sasa! Play uli tayo next time.”
“Isali natin Adam at Rade `pag `laki na sila!”
“Sure!”
Lumuhod si Agatha sa harap ni Sasa. Hinaplos niya ang buhok nito. “Masaya ka ba, anak?”
“Sobra, Inay! Ganito kadami!” Ibinuka nito nang malaki ang mga kamay. “Wala nang natira araw, Inay. Zero na. Uuwi ka na bahay mo. Miss kita lagi, Inay!”
Sasa was smiling widely. No tears like before. Nagniningning pa ang mga mata nito.
Tears stung Agatha’s eyes. Si Sasa… kung puwedeng anak na lang din sana niya ito… Kung puwede lang na isama ito sa pag-uwi niya…
“Maliligo ka palagi, ha? Araw-araw para mabango at saka malinis ka palagi. Huwag kang tatamaring mag-toothbrush. At saka didiligan mo ang mga halaman natin.”
Tumango ito at hinawakan ang pisngi niya. Her little hand wiped the tear that stubbornly fell. “Bakit iyak ka, Inay? Huwag ka na iyak, Inay. Hindi ka ba masaya kasi uwi ka na? Sabi sa `kin Teacher Pogi, malaki daw bahay n’yo. `Pag malaki na `ko, pupunta ako doon.”
Napasinghot si Agatha at ikinulong si Sasa sa mga bisig niya. “Mahal kita, anak. Lagi kang magpe-pray, ha? Kapag… k-kapag malungkot ka, tawagan mo kami.” Pinalis ni Agatha ang sariling mga luha. “Kakain ka lagi ng gulay. `Tapos, aalagaan mo ang itay mo kapag galing siyang trabaho.”
Tumango ito at ngumiti. “Opo, Inay.”
“Happy birthday, Sasa…” She kissed her on the forehead. “Always be a good girl.”
Yumakap ito sa leeg niya at matunog siyang hinalikan sa pisngi. “Ingat ka palagi, Inay.”
“I’ll see you again soon. I promise.”
Niyakap pa uli niya ito nang mahigpit. Kumalas ito mayamaya at lumapit kay Reeve na katatapos lang ibaba ang bike nito.
“Tito Reeve, salamat po.”
Itiniklop ni Reeve ang mga tuhod at hinaplos ang buhok nito. “Ingatan mo ang regalo ko sa `yo. Paglaki mo, bibigyan kita ng bago kapag hindi mo naiwala `yan.”
“Opo!”
“Come here, darling.” May ibinulong si Reeve dito.
Tumango-tango si Sasa.
“Good girl. Now give me a kiss.”
Hinalikan ito ni Sasa sa pisngi. After that, Sasa ran to Niel. Binuhat at niyakap ito ng huli.
“Ba-bye, Ate Riana! Ba-bye, Tito Reeve!” kaway ni Sasa sa kanila. “Ba-bye, Inay!”
Agatha smiled while Sasa wasn’t crying this time. She turned to Niel. Maamo ang mukha nito at nagpapahiwatig din ng pasasalamat ang mga mata.
“Bye, Sasa!” Riana waved back.
Sumakay na sila sa sasakyan. Nakalingon pa rin si Agatha. Kumakaway at nakangiti pa rin si Sasa.
Then Niel kissed his daughter’s cheek. May ibinulong ito at nagtawanan ang dalawa. Pumasok na ang mag-ama sa loob ng munting tahanan ng mga ito.
Nakalingon pa rin si Agatha hanggang sa lumiit na nang lumiit ang kubo sa paningin niya. She looked around at this little town that she didn’t know if she would be able to see again.
Nang tuluyan na silang makalabas ng Kab-Laaw, alam na ni Agatha na nagsara na ang kabanata ng buhay niya sa lugar na iyon.
And sometimes, no matter how we didn’t like to close a chapter in our lives, we must do it. So that we would be able to move on to the next.
“Are you okay, sweetheart?” Reeve asked softly.
Umayos na si Agatha sa pagkakaupo. Mula sa backseat ay lumipat si Riana sa harap at kumandong sa kanya.
Agatha hugged her daughter tightly. “I will be.” Hinalikan niya ang bumbunan ng anak. “Baby, I have a question.”
“Yes, Mommy?”
“You really like Sasa. Aren’t you jealous because I took care of her while I was away?”
“No. Sasa is cute, Mommy. And she doesn’t have a mommy. It’s okay to share you sometimes. You still love me, Kuya Rain, Adam and Rade, right?”
“Hinding-hindi iyon magbabago.”
Yumakap ito sa baywang niya at sumubsob sa dibdib niya. “Then I don’t have to be jealous. You love us all. You have a very big heart, Mommy. We all fit in there. Right, Daddy? You fit in Mommy’s heart too?”
“I still believe,” sagot ni Reeve.
“Manligaw ka muna,” paalala niya.
He smiled coyly. “Yes, sweetheart.”
“A LITTLE bit of info about my parents,” sabi ni Reeve pagkatapos nilang makuha ang mga bagahe at palabas na ng airport.
Agatha’s parents were taking care of Riana and Rainiel. Susunod na lang daw ang mga ito pauwi sa bahay.
Karga niya si Rade, si Adam naman ang kay Reeve.
“They’ve been annulled since I was eighteen years old. After many years, they became good friends again. Hindi na nag-asawa si Papa. Mama’s second husband just died a year ago.”
Napatango-tango si Agatha. “I see. Nabanggit mo kanina sa eroplano na habang nawawala ako, tumutulong sila sa `yo sa pag-aalaga sa mga bata.”
“Yes. Lalo na si Mama. She adores our children so much. Sa tingin ko, bumabawi siya sa akin sa pamamagitan ng mga anak natin.”
“Good thing you and your mother are okay now.”
Ngumiti ito at nilingon siya. “I want you to remember how it happened. Hihintayin kong matandaan mo kung paano at bakit ko pinatawad si Mama.”
Agatha was curious. “Sabi mo, tinulungan kita.”
“I want you to remember how exactly you helped us. I’ll leave that to you.”
“Mom… mmyyy… Mom…” Rade mumbled while playing with the tips of her hair.
“Are you hungry again? Hmm?” Inayos niya ang pagkakakarga rito.
“Milk, Mommy! Me too!” Adam said.
“Bawal kayong magsabay ni Rade,” sabi ni Reeve. “Rade will have his milk first. Then you.”
“No! I want milk. Now, Daddy. Now!”
“You drink from the bottle in the meantime—”
“No! I want Mommy milk! Mommy milk!” Adam cried.
Agad na nakakita ng breast-feeding station si Agatha sa loob ng airport kaya hinila niya roon si Reeve. Walang tao pagpasok nila. She sat at the corner of the room. Si Adam lang pala ang gutom dahil hindi naman umiyak si Rade nang kunin ito ni Reeve.
Agatha unbuttoned her blouse and nursing bra. Kumilos si Reeve at bahagya siyang hinarangan.
“What are you doing?”
His eyes were focused on Rade. “Covering you. Baka may makakita…”
“Tayo lang ang tao dito, Reeve.”
Tumingala ito. “I’m sure may CCTV dito. I don’t want anyone, even the security, to see your… breasts.”
Napailing-iling na lang si Agatha at niyuko si Adam. Her little boy was now busy sucking some breast milk.
“Are your parents still good friends now?”
“Sure. Lalo na nang iwan ni Tito Ed—Mama’s late husband—ang flower farm business niya kay Mama at sa anak niya. Tinutulungan ni Papa si Mama kung paano magpatakbo ng negosyo.”
“Sabi mo, hindi na uli nag-asawa ang papa mo? He never loved anyone else?”
Tumango ito.
“Puwede silang magkabalikan kung gano’n.”
Reeve laughed.
“Why? What’s funny?” nagtatakang tanong niya.
“Matatanda na sila… And Mama won’t get over Tito Ed. He was her great love. Besides, Papa looks like he’s happy being Mama’s best friend again. Matalik na magkaibigan naman talaga sila. They just got drunk one night. Papa got Mama pregnant with me… Doon sila nasira. Kaya siguro mas mabuti para kay Papa na huwag nang humigit pa doon ang relasyon nila. Because the last time he tried, he just got his own heart broken.”
“Are they happy as friends?”
“They are.”
Napatingin siya kay Reeve. Halatang ingat na ingat itong huwag siyang lingunin. Nilalaro-laro nito si Rade. Their son kept on giggling.
“Minsan ba… hiniling mo na sana nagkabalikan sila?”
Tumango si Reeve. “Who wouldn’t want a complete family?”
Agatha looked at their children. Hindi pa kompleto ang mga ito. She suddenly missed Rainiel and Riana, kahit na ilang oras pa lang ang nakalipas mula nang mahiwalay sa kanya ang dalawang anak. Pati na si Sasa.
Agatha sighed. Adam stopped sucking and tried to stand up. Inayos niya ang sarili.
“By the way, let’s go to Papa’s house. Naghanda raw siya ng lunch para sa atin at sa mga bata. Pupunta rin daw si Mama. I guess you can meet them.”
Tumango si Agatha. Inalalayan siya ni Reeve na makatayo. Kinarga niya si Adam, kahit sobrang bigat na nito. Sa tingin niya ay marami siyang hindi nasaksihan sa paglaki ni Adam. Mula pa noong magbuntis siya kay Rade ay parang kulang na ang naibibigay niyang atensiyon sa pangatlong anak.
“Bakit masyadong magkalapit ang edad nina Adam at Rade?” tanong niya kay Reeve nang nasa sasakyan na sila. Magkatabi sila sa backseat dahil may driver sila.
Their sons were busy looking outside the car window.
“Rade is kind of unexpected,” sagot ni Reeve. “Adam was only four months old when you got pregnant with Rade. We all thought that as long as you were breast-feeding, hindi ka mabubuntis. It was effective with Rain and Riana.”
Napasandal si Agatha sa headrest nang bahagyang makaramdam ng pagkahilo.
“Reeve, halos hindi na tayo nagkikita. Palagi kang late umuwi galing ng trabaho…” Agatha sobbed. “If you can’t take care of me, uuwi na lang ako kina Mommy.”
Napapagod na nagbuga ito ng hangin. “Don’t cry, sweetheart. Kapapanganak mo pa lang. It’s just your unbalanced hormones talking.”
No. Agatha knew better. Hindi lang iyon dala ng hormones. People should stop blaming hormones. Kaya niya iyong labanan. Pero totoong nagtatampo na siya sa asawa.
After she gave birth to Adam, hindi man lang siya sinamahan ni Reeve sa recovery room. Bumalik na agad ito sa trabaho. Three months later, she could barely see him when she needed him the most.
Hindi puwedeng puro ang mommy at ang biyenan niya ang tumutulong sa kanya. She needed her husband too.
“May oras ka pa no’ng sina Rainiel at Riana pa lang. But now—”
“Sweetheart, calm down,” putol nito sa sasabihin niya.
“But I need your time—”
“Sshh… All right, all right. I’m sorry,” parang kulang sa sinseridad na sabi nito. Lumapat ang mga labi nito sa kanyang leeg. “I’m not going to work tomorrow, sweetheart.”
“R-really?”
“Promise.”
Reeve supported her back and gently lay her down the bed. May gusto pa siyang sabihin. Gusto niyang ilabas ang kinikimkim. But Reeve didn’t let her.
Hinalik-halikan siya nito sa buong mukha, making her feel that even after gaining a lot of pounds during her last pregnancy, she was still the most beautiful woman in his eyes.
Isa-isang tinanggal ni Reeve ang mga saplot nila. Agatha just gave in. Kulang na kulang siya sa atensiyon at oras ng asawa. Kaya kahit siguro dito, papayag na lang siya.
Nangako itong hindi muna papasok bukas. How she prayed that he would not have to go to work for a long time. Mare-realize din siguro nito na hindi sapat ang bukas para sa oras na dapat siya nitong alagaan.
But the next morning, Agatha woke up and Reeve had gone to work already.
He didn’t keep his promise…
She tried to calm down. She tried not to cry, not to feel like her husband used her again… that Reeve diverted her attention para hindi na lang sila magtalo. And that Reeve just falsely promised that he would go to work para na lang hindi na siya magsalita. He used sex. He knew she would give in that easily.
“Agatha, anak? Gising na si Adam,” katok ng mommy niya mula sa pintuan. “You need to breast-feed him.”
Pilit siyang bumangon. “I’ll just fix myself, Mommy.” She tried to hide her sadness. Agad siyang nag-shower at nag-ayos.
Pagkalabas ng kuwarto ay nakangiti na siya. But inside, she couldn’t understand why Reeve couldn’t leave work for a while. He was the boss anyway. He could choose any day off.
She could not understand how Reeve learned to give empty promises now.
She missed Reeve so much—the old Reeve. She wanted that Reeve back, iyong bagong kasal pa lang sila. Iyong halos hindi sila mapaghiwalay…
“Sweetie, are you all right?” her mother asked.
And just like Agatha always did, she smiled sweetly. “Of course, Mommy.”
“Nagmamadali si Reeve na pumasok sa trabaho kanina. May emergency daw kasi sa hotel. Hindi ka na niya ginising. Pasensiya na raw. He doesn’t want to leave but—”
“I understand, Mommy.” Kahit hindi. Kahit ayaw na niyang intindihin. “I understand…”
A month later, they discovered that she was pregnant again. For the first time, Agatha didn’t feel happy and excited for another child. Dahil pababayaan lang uli siya ni Reeve…
“Sweetheart?”
Napakurap-kurap si Agatha. Bumaling siya kay Reeve.
His eyes were overflowing with complete wariness. “You spaced out. May naalala ka ba?”
Huminga siya nang malalim. Sinilip niya ang dalawang maliliit na anak na nakatingin pa rin sa labas ng bintana. Nakaalalay si Reeve sa dalawa dahil nakatayo sina Adam at Rade sa upuan.
Hinarap niya si Reeve. “Did I ever slap you before?”
“Yes. Once.” Kumunot ang noo nito, nagulat siguro sa tanong niya. “Why— Damn it! Agatha!”
Inilayo niya ang kamay na katatapos lang manampal dito.
“Damn, what was that for?!” Napahawak ito sa nasaktang pisngi.
Napalingon sa kanila ang dalawang anak. Agatha smiled at them. “Come to Mommy, you two.”
Agad namang lumapit ang dalawa at kumandong sa kanya. Niyakap at hinalikan niya ang mga ito. “I love you both so much, kahit na dumating lang si Daddy habang nanganganak ako pero hindi na niya tayo inalagaan after.”
Para namang natauhan si Reeve “S-sweetheart, I’m sorry…” Bumuntong-hininga ito. “I deserve that I guess… Ouch.”
“If you make an empty promise again, you’ll get more than that. And if you use sex again to shut me up, hindi ko na pipiliting alalahanin ka,” she warned him. Her voice was calm but dangerous. “Are we clear?”
“Yes, Ma’am.”
Sa gulat niya ay ngumiti pa ito!
“Don’t smile! Hindi ka seryoso!”
Sumeryoso naman si Reeve. Pero kinagat nito ang ibabang labi at ipinaling ang mukha sa ibang direksiyon. “Oh, sweetheart…”
“Sweetheart your face.”
“Hinding-hindi na ako babalik sa dating ako bago ka mawala, Agatha. Hinding-hindi na. I’ve learned my lesson,” seryosong sabi nito.
“Sorry but I’m not sorry for slapping you.”
“Slap me all you want, sweetheart. I won’t mind. I’ll love you even more.”
BEFORE they got to Reeve’s father’s house, they talked about her recent memory flashback.
Reeve humbly admitted his mistakes. Lumambot naman agad ang puso ni Agatha kaya ibinalik na niya sa normal ang pakikipag-usap dito.
“I keep on remembering bad memories of you,” sabi niya sa asawa pagkababa nila ng sasakyan.
“Still part of the consequences I need to take I guess.” Reeve sighed. “That’s all right. It gives you the opportunity to speak up too.”
“It’s okay with you if I slap you all of a sudden again?”
“Kung iyon ang magpapagaan ng loob mo. It’s just a slap. I can take lots of it. Basta hindi ka na mawawala uli.”
“Reeve—”
“Mommy! Daddy!”
Dumating na rin pala ang sasakyan ng mga magulang niya. Ibinaba lang ng mga ito sina Rain at Riana at umalis na rin. Kailangan daw kasing umuwi agad ng mga ito. Babalik na lang daw mamaya sa hapunan.
“I think my parents are cool parents,” sabi ni Agatha. “Hinahayaan lang nila ako sa mga gusto kong gawin kahit may amnesia pa rin ako.”
“I think they’re going to have sex.”
Nanlaki ang mga mata niya. “Reeve!” Hinampas niya ito sa dibdib. “May mga bata! Ugh! I can’t imagine them having… Reeve!”
She wanted to slap him again.
Natawa ito at hinuli ang mga kamay niya. “I’m just kidding. Pinapagaan ko lang ang mood natin.”
“Mas nainis lang ako.”
“That’s Grandma’s car,” sabi ni Rainiel, itinuro ang isang itim na sasakyan na nakaparada sa isang gilid. “She’s here already.”
“Grandpa! Grandma! We’re here!” sigaw ni Riana, panay ang katok.
Nag-doorbell na rin si Reeve. Minutes later, wala pa ring nagbubukas ng malaking pinto.
“Wala bang maids?”
Napakunot-noo si Reeve. “Hindi na kumuha ng maid si Papa since he lives alone. May house cleaner lang na nagpupunta dito thrice a week.” He rang the doorbell again.
May nasilip si Agatha na dalawang pigura mula sa frosted glass window ng bahay. Parang nagmamadali.
Ang mga ito ba ang mga magulang ni Reeve?
Lumabas ang mga magulang ni Reeve, sa wakas. Parang nagmamadali ang mga ito na mabuksan ang pinto.
Agatha and Reeve exchanged looks.
“Welcome back!” masayang bati ng ginang. Ito siguro ang mama ni Reeve dahil itim na itim ang mga mata nito katulad ng sa asawa niya.
“`Buti at nakauwi na kayo,” said the old man behind Reeve’s mother. But even with gray and white hair, he still looked equally dashing as Reeve!
Pero…
“Grandma, why is your hair messy?” inosenteng tanong ni Riana.
Napahagod ng buhok ang ginang, but she remained poised and calm. “Oh, I fell asleep. Medyo matagal kasi kayong dumating. Go inside na. I prepared snacks for you.”
Tumakbo na papasok sina Rainiel at Riana. Ibinaba naman niya si Adam sa sahig at agad na sumunod sa mga kapatid nito.
Napatingin sa kanya ang mama ni Reeve. “Agatha! Finally, anak…” Niyakap siya nito. “I know you probably can’t remember us but we’ve missed you. We’re all happy and grateful that you’re alive and well.”
“Salamat po.” Lumingon siya kay Reeve. Hindi maipinta ang mukha nito. Itinago niya ang ngiti.
“Aasikasuhin ko lang ang mga apo ko,” paalam ng papa nito. Buhat na rin nito si Rade. “Agatha, feel at home. My house missed having you around.”
Magkasabay na tumalikod ang mga magulang ni Reeve.
Tiningnan niya ang asawa. “Whose parents had sex now?” she teased him.
Napasimangot ito. “We will never talk about this. Never.”
“Baliktad pa ang shirt ng papa mo.”
“Ang tatanda na nila! They are in their sixties!” iritadong bulong nito. Ayaw nitong tingnan ang mga magulang.
“Second chance is real, Reeve. No one’s ever too late for it. Especially in love.”
He looked at her. His face softened. “I can get a second chance then?”
Nag-iwas siya ng tingin. “Ano’ng gusto mong kapatid? Lalaki o babae?”
Napaungol ito at sumama na naman ang timpla ng mukha.
NAPAKUNOT-NOO si Daniel pagkatapos ipaliwanag sa kanya ng ilang NBI agents ang sitwasyon. Napatingin siya sa babaeng kailangang itago sa kanila para masigurong hindi ito matutunton ng sindikatong dating kinabibilangan nito.
Inalagaan nila ni Seline—ni Agatha—ang babae habang hindi pa ito nagkakamalay. Lagi siyang nagre-report sa pulis tungkol dito noon. Pero kaya pala walang kapamilyang kumukuha dahil wala na raw itong pamilya o kamag-anak man lang.
“Kung dito n’yo siya itatago, paano ako makakasigurong hindi mapapahamak ang anak ko?” maingat niyang tanong. Hindi na mahalaga kung siya lang, pero si Sasa?
“May mga pulis na magbabantay sa inyo pero magkukunwaring tagarito rin sa Kab-Laaw. Magiging kapitbahay n’yo ang mga na-assign na magbabantay sa babaeng ito. Sabi ni Mr. Monteverde, habang hindi pa nagsasalita ang babae, ito ang puwedeng gawing safehouse niya.”
Nang marinig ang pangalan ni Reeve ay pumayag na agad si Daniel. Malaki ang utang-na-loob niya sa lalaki. Binigyan siya nito ng pangalawang pagkakataon para mas maging mabuting ama kay Sasa. Hindi siya ipinakulong ni Reeve sa kabila ng napakalaking kasalanan niya sa pamilya nito.
“Magpapanggap kayong mag-asawa para hindi halatang itinatago mo lang siya dito. You don’t have to worry about Celina, Ebreo. Hindi rin siya makakagawa ng masama dahil maraming nakabantay sa kanya.”
“Itay, bakit dami pulis— Ate Ganda? Ate Ganda! Gising ka na!” Tumakbo si Sasa palapit sa babae.
Ngumiti ang babae at niyuko ang kanyang anak. “Kumusta ka na?” mahinhing tanong nito. “No’ng tulog ako, lagi kong naririnig ang boses mo.”
Lalong kumunot ang noo ni Daniel. Lumapit siya kay Sasa at bahagya itong inilayo sa babae. Ayaw niya sa babaeng ito. May masama siyang pakiramdam.
“We will also protect you and your daughter, Ebreo. Walang mangyayari sa inyo hanggang hawak namin ang kasong ito. Mr. Monteverde just wants to make sure that this woman won’t hurt his wife. Magpapagamot muna si Agatha bago siya pumayag na tumestigo.”
“Ate Ganda, gusto mo dilig tayo? Wala na kasi Inay. Wala ako kasama dilig ng halaman.”
“Sige, tutulungan kita. Nasaan ba ang pandilig mo?”
“Hey, never hurt the kid, woman. Or else…” banta ng isang agent.
“Wala ba akong karapatan na mabigyan ng pangalawang pagkakataon na magbago? Hindi ko sasaktan ang bata. Hindi pa ako ganoon kasama,” mataray na sabi nito.
“Sino-sino ang mga magbabantay sa amin habang nandito ang babaeng iyan?”
“May pangalan ako, `no. Celina!”
Ayaw niyang tawagin ang babae sa pangalan nito dahil katunog iyon ng sa namayapa niyang asawa.
“Ate Ganda, ito dilig natin. Kalamansi. `Tapos gawa tayo kalamansi juice. Inom ka kalamansi juice, Ate Ganda, para `di ka na sakit.”
“Hmm… Parang mas gusto ko ang Ate Ganda.” Tumawa pa ang babae. “Ang cute mo talaga, Sasa. Hindi ka nagmana sa tatay mong masungit.”
Lalong napakunot-noo si Niel. Mayamaya pa ay isa-isa nang ipinakilala sa kanya ang mga pulis na magpapanggap na kapitbahay nila.
Kaunti na lang ang natirang tagabantay mayamaya. Lumipat na sa katapat na kubo ang iba. Harmless naman daw ang babae kaya iniwan na sa kanya.
“Dito ka na titira, Ate Ganda?” tanong ni Sasa. “Yehey! Tabi tayo tulog.”
Ngumiti ito at hinaplos ang buhok ng kanyang anak. “Puwede. Katabi rin ba natin ang itay mo?”
“Sa papag ako dito sa sala. Sasa, sa akin ka tatabi, anak. Bisita siya. Hindi ka puwedeng tumabi sa kanya,” singit niya.
“Hindi mo ako pinagkakatiwalaan, ano?” sabi ng babae. Umismid ito at humalukipkip. “Alam mo kaya hindi ko magawang magbago noon? Kasi walang naniwalang kaya ko.”
Tumayo si Niel at binuhat si Sasa palayo rito. “May sarili akong mga kasalanan kaya wala ako sa posisyong husgahan ka. Pero para bigyan ka ng pagkakataong magbagong-buhay, ipakita mong kaya mo… kahit walang naniniwala sa `yo. Patunayan mong mali sila ng akala sa `yo.”
Napatanga ito sa kanya.
“Hindi laging sa ibang tao manggagaling ang pangalawang pagkakataon, Celina. Puwede mo rin iyong ibigay sa sarili mo.”